Hinson ipaparada ng Llamados

DUBAI - Magiging pres­ko ang Talk N Text ngunit aasahan naman ng B-Meg ang bagong import nitong si Darnell Hinson para sa kanilang laro ngayong alas-7 ng gabi sa Al Shabab Sports Club sa PBA Governors Cup two-game Du­bai.

Matapos ang B-Meg, ma­kakatapat naman ng Talk 'N Text ang Barangay Ginebra bukas.

Nauna nang bumiyahe ang Tropang Texters noong Lunes bilang paghahanda sa kanilang two-game grind. Nagpapawis na rin sila sa playing court sa pamamagitan ng light workouts noong Martes at kahapon.

“We're playing back-to-back games after an out-of-town game in Digos, Davao del Sur Saturday. Certainly, it's not easy,” wika ni Talk N Text coach Chot Reyes.

Pagod namang nag-en­sayo ang Llamados ka­­hapon dahil na rin sa ka­­nilang 13-hour trip mula Manila via Bahrain.

“Naisahan kami ng Talk N Text,” wika ng isang B-Meg stalwart.

Nasa kondisyon naman si Hinson para sa kanyang unang laro.

“Fresh from Puerto Rico, he's practically back in his time frame, and that's good for us,” ani B-Meg coach Jorge Gallent sa kan­yang import.

Nagmula si Hinson sa Puerto Rico, United States at Japan bago magtungo sa Manila para dumalo sa practice ng B-Meg.

“He looks well in good shape. Hopefully, he can show it in the game,” ani Gallent.

“He has a good shooting stroke. He really looks a lot better than Stefhon (Hannah),” sabi naman ni B-Meg top local James Yap.

Show comments