Rain or Shine magpapalakas pa
Manila, Philippines - Habang nasa Dubai, United Arab Emirates ang Talk ‘N Text, Barangay Ginebra at B-Meg Derby Ace ay sasamantalahin ng Rain or Shine ang kanilang siyam na araw na bakasyon.
“Going to a nine-day break, this is a good way to go to vacation. It gives you a good feeling to recharge and recover and prepare for the next game,” ani head coach Yeng Guiao sa kanyang Elasto Painters, umiskor ng malaking 113-83 paglampaso sa Petron Blaze sa elimination round ng 2011 PBA Governors Cup noong Hunyo 24.
Kasalukuyang dala ng Rain or Shine ang 3-1 baraha sa ilalim ng Talk ‘N Text (3-0) at Barangay Ginebra (2-1) kasunod ang B-Meg (2-2), Petron Blaze (2-2), Alaska (2-2), Powerade (1-3) at Air21 (0-4).
Ikinatuwa ni Guiao ang pagsosolo ng kanyang Elasto Painters sa ikalawang puwesto.
“We are in a good position right now and we are right on track,” sabi ni Guiao. “We are trying to get to the semis. I think this is the best way to do it. I think to be sure you need five wins.”
Susunod na makakatapat ng Rain or Shine ay ang Powerade sa Hulyo 3 sa alas-6:15 ng gabi sa Araneta Coliseum.
Matapos ang Llamados bukas ng alas-7 ng gabi, makakaharap naman ng Tropang Texters ang Gin Kings sa Hulyo 1 para sa kanilang dalawang sunod na laban sa Dubai.
Inaasahang ipaparada ng B-Meg ang bagong hugot na si Darnel Hinson bilang kapalit ni 5-foot-11 import Stefon Hannah, umiskor ng 23 points sa 104-92 paggupo sa Meralco noong nakaraang Linggo, laban kay Maurice Baker ng Talk ‘N Text.
- Latest
- Trending