^

PSN Palaro

Nag-uulol sa galit

- Ni Angeline Tan -

Manila, Philippines - Sisiguraduhin ng Philip­pine Azkals na maibaon ang kanilang matalim na pangil sa Red Braves ng Sri Lanka sa pagsisimula ngayon ng kanilang laban sa Asian World Cup Qualifying sa Sugathadasa Stadium, Co­lom­bo.

Ganap na alas 5:30 ng hapon (6pm sa bansa) magsisimula ang una sa dalawang tagisan ng dalawang bansa at ang mananalo sa series ay aabante sa second round laban sa Kuwait.

Papasok ang Azkals mula sa matinding trai­ning camp sa Germany na ginawa upang mailagay sa magandang pangangatawan ang 23 manlalarong aasahan ni German coach Hans Michael Weiss sa ma­halagang panalo.

Matatandaang masak­lap na kabiguan ang nala­sap ng Azkals sa mga kamay ng Sri Lanka sa huli nilang pag­­haharap noong 1996 sa World Cup qualifier sa Doha, Qatar.

At ang kabiguang ito ang nais na ibaon sa limot ng Azkals at gagawa sila ng mahusay na game plan at malakas na depensa upang maipalasap ang kanilang matinding paghihiganti.

Makasaysayan sa dalawang bansa ang labang ito dahil parehong hindi pa nakakapaglaro ang Pilipinas at Sri Lanka sa World Cup.

Mataas naman ang paniniwala ng mga panatiko ng sport sa bansa sa pangu­nguna ng Philippine Football Federation na mangingibabaw ang Azkals lalo nga’t mas mataas ang world ran­king ng Pilipinas na 156 la­ban sa 169 ng Sri Lanka.

“I believe we have a good chance against Sri Lanka first because we rank higher and we had good preparation into this series,” wika ni PFF president Mariano “Nonong” Ara­neta.

Gumastos ang pamunuan ng Azkals para lamang makapagsanay ang koponan sa Germany at nagtala sila ng 2-2 karta laban sa mga club teams doon.

Mismong si Weiss ay nagsabing maraming natutunan ang Azkals sa Camp na ito at kahit natalo sila sa huling dalawang tune up games sa 0-4 at 0-5 iskor, hindi naman dapat ipangamba ito dahil hindi naman kasing-galing ng mga nakatunggali ng Azkals ang Brave Reds.

Pangungunahan ni goal keeper Neil Ethe­ridge ang laban ng Azkals bukod pa kina strikers Phil Younghusband, Ian Araneta, Misagh Bahodoran, mga midfielders na sina Angel Aldeguer Guirado, Jerry Lucena, Ja­mes Younghusband at defenders tulad nina Robert Gier, Roel Gener, Ray Jonsson at Dennis Cagara.

Tiyak namang hindi basta-basta susuko ang host team na naihayag din ang kahandaan na gulatin ang mas malakas na Philippine team upang hindi mapahiya sa harap ng kanilang mga kababayan.

ANGEL ALDEGUER GUIRADO

ASIAN WORLD CUP QUALIFYING

AZKALS

BRAVE REDS

DENNIS CAGARA

HANS MICHAEL WEISS

SHY

SRI LANKA

WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with