Bagong import ipaparada ng B-Meg vs Talk N Text sa Dubai
MANILA, Philippines - Nabigo ang B-Meg Derby Ace na makakuha ng disenteng laro kay import Stefon Hannah sa nakaraang apat na laro ng Llamados sa elimination round ng 2011 PBA Governors Cup.
At sa kanilang pakikipagharap sa Talk ‘N Text sa Huwebes sa Dubai, United Arab Emirates, inaasahang ipaparada ng B-Meg ang baguhang si Darnel Hinson bilang kapalit ng 5-foot-11 na si Hannah.
Sa kanyang huling laro, tumipa si Hannah ng 23 points para sa 104-92 paggupo ng Llamados sa Meralco Bolts noong Linggo sa The Arena sa San Juan.
May 2-2 rekord ngayon ang B-Meg katabla ang Petron Blaze (2-2) at Alaska (2-2) sa ilalim ng Talk ‘N Text (3-0), Rain or Shine (3-1) at Barangay Ginebra (2-1) at kasunod ang Powerade (1-3) at Air21 (0-4).
“We need consistensy para naman guys like James Yap and Peter June Simon need not exert so much effort offensively kasi kailangan pa rin nilang dumepensa,” ani head coach Jorge Gallent sa kanilang import.
Si Hinson ay naglaro sa Europe noong 2003 para sa USC Freiburg sa Germany kung saan niya pinamunuan ang tropa sa scoring sa kanyang 20.2 points per game average bago nagtungo sa Netherlands at kumampanya sa Landstede Zwolle noong 2005-2006 at sa Hanzevast Capitals noong 2006-2007.
Sa 2007-2008 season para sa West Sydney Razorbacks sa NBL, pumasok si Hinson sa top 10 sa scoring (20.9 ppg) at sa top 20 sa assists (4.1).
Mula sa paglalaro para sa Perth Wildcats, lumipat si Hinson, inaasahan ni Gallent na magsasalba sa Llamdos, sa CSP Limoges (French Pro B), isa sa pinaka-popular na French basketball teams.
- Latest
- Trending