^

PSN Palaro

Nadal nalusutan si Muller sa third round ng Wimbledon

-

WIMBLEDON, England - Kahit na may right leg injury ay hindi pa rin napigilan si Rafael Nadal sa pagtatala ng panalo.

Nalagpasan ng defen­ding champion ang hamon ni Gilles Muller, 7-6 (6), 7-6 (5), 6-0, sa third round.

Kinansela ang natu­rang laro sa first set noong Biyernes dahil sa malakas na buhos ng ulan.

 Bago pa ang interruption, tinawag na ni Nadal ang kanyang trainer matapos matumba sa kanyang panalo sa tiebreaker.

Sinabi niyang ito ay isa lamang muscle problem.

Hindi pa natatalo si Nadal sa All England Club matapos mabigo kay Roger Federer sa 2007 final.

“But this is not limiting my game,” sabi ni Nadal sa kanyang injury. “I can play with that without problems.”

Mula sa 5-5 pagkakatabla sa second set, kinuha ni Nadal ang dalawang su­munod na puntos laban kay Muller.

“The third set, two sets to love, I am able to play with less pressure,” ani Nadal, natalo kay Muller sa second round noong 2005. “I started to return unbelievable and to play at very high level, I think.”

Matapos mabigo kay Fe­derer sa 2006 at 2007 fi­nals, giniba ni Nadal ang Swiss great sa 2008 championship match. Hindi siya na­kalaro sa 2009 tournament bunga ng injury bago mu­ling nagkampeon sa su­munod na taon.

Sa fourth round, ma­ka­katapat ni Nadal si 2009 U.S. Open champion Juan Martin del Potro.

ALL ENGLAND CLUB

BIYERNES

GILLES MULLER

JUAN MARTIN

KAHIT

KINANSELA

NADAL

RAFAEL NADAL

ROGER FEDERER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with