^

PSN Palaro

Smart Gilas handa sa anumang gagawin ng Indonesia sa kanilang title showdown

-

MANILA, Philippines - Sa kanilang paghaharap para sa korona ng 9th Southeast Asian Basketball Association Championship, inaasahan ni Smart Gilas Pilipinas’ coach Rajko Toroman na gagawa ng adjustments ang Indonesia.

 “We beat them by 40 points in our first game and I expect them to make major adjustments so it will be closer this time,” sabi ni Toroman, inihatid ang Nationals sa malaking winning margin na 40.25 points a game.

Dinomina ng Smart Gilas ang elimination round sa pamamagitan ng ‘sweep’.

Tinalo ng Nationals ang Malaysians, 97-71, noong Huwebes; iginupo ang Indonesia, 94-54, noong Biyernes at pinayukod ang Singaporean, 106-51, noong Sabado para makakuha ng tiket sa 2011 FIBA-Asia Championships na nakatakda sa Setyembre 15-25 sa Wuhan, China.

Nagmula naman ang Indonesia sa 77-47 paggupo sa Malaysia noong Sabado para itulak ang kanilang rematch ng Smart Gilas.

Ginamit ni Toroman ang siyam na players mula sa isinamang 10-man roster.

Dinala ng Smart Gilas ang isang 10-player roster bago pauwiin si Fil-Am Marcio Lassiter para ipagamot ang kanyang acute back injury na kumirot sa kanilang team practice ilang araw bago ang nasabing four-day meet.

Hindi rin nakuha ng Nationals ang serbisyo nina Asi Taulava ng Meralco, Dondon Hontiveros ng Air21 at sina Kelly Williams at Jimmy Alapag ng Talk ‘N Text na naglalaro sa kanilang mga mother teams sa PBA Governor’s Cup.

Dagdag pa rito sina Greg Slaughter ng Ateneo Blue Eagles at Aldrech Ramos ng FEU Tamaraws na sasabak sa 764th UAAP.

Nanggaling naman sa injury at sakit sina JV Casio (foot), Japeth Aguilar (foot), Chris Lutz (quadriceps) at Dylan Ababou (fever).

"This is a great team because we're winning like this even though we only have nine players and some of them even injured," sabi ni Toroman.

Samantala, sinabi naman ni Toroman na ang Smart Gilas program ay dapat na ipagpatuloy kung makakapasok ang Nationals sa 2012 London Olympics.

Idinagdag pa ng Serbian mentor na ngayon pa lamang ay dapat nang bumuo ang koponan para sa FIBA World Championship sa 2014.

"It should the combination of the best in the team that the Philippines will send in the SEA Games and old members of Smart Gilas," ani Toroman.

ALDRECH RAMOS

ASI TAULAVA

ASIA CHAMPIONSHIPS

ATENEO BLUE EAGLES

CHRIS LUTZ

DONDON HONTIVEROS

DYLAN ABABOU

FIL-AM MARCIO LASSITER

SMART GILAS

TOROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with