Maria kumakasa pa sa Wimby
WIMBLEDON, England--Umabante sa third round si Maria Sharapova, isang three-time Grand Slam champion, matapos igupo ang 17-anyos na si Laura Robson, 7-6 (4), 6-3, sa Court 1.
“There will be many tournaments and many losses and many wins,” sabi ni Sharapova kay Robson. “I think it will just be important to learn from the situations. And, yeah, obviously it’s great and it’s important to play in front of thousands of people with the support of the British crowd.”
Kinuha ni Robson ang 4-1 lamang sa first set at 4-2 sa tiebreaker bago ito kunin ni Sharapova.
Matapos angkinin ni Sharapova ang Wimbledon title, isinunod naman niya ang U.S. Open noong 2006 at ang Australian Open noong 2008.
Ngunit ang kanyang shoulder surgery noong Agosto ng 2008 ang nagpaupo sa kanya kasunod ang pagbaba ng kanyang rankings bago siya nakabalik sa No. 6 ngayong taon.
- Latest
- Trending