Federer tinalo si Mannarino ng France

WIMBLEDON, England -- Matapos kunin ang anim na titulo sa All England Club, nakaranas si Roger Federer ng ibang pakiramdam sa Centre Court.

Napuwersa ang16-time Grand Slam champion sa indoors dahil sa malakas na pag-ulan sa Wimbledon at tinalo niya si Adrian Mannarino ng France, 6-2, 6-3, 6-2, patungo sa third round.

Ang retractable roof, itinayo bago ang 2009 tournament, ay hindi masyadong nagagamit.

Sa harap ng kanyang mga magulang na nanood sa Royal Box, tinapos ni Federer ang kanilang laban ni Mannarino sa pamamagitan ng isang high-flying overhead smash.

Umabante rin sa third round sina four-time champion Serena Williams at Novak Djokovic, samanta­lang nakatakda namang lumaro si defending champion Rafael Nadal sa Court 1 kasabay nina five-time ti­tlist Venus Williams at Maria Sharapova.

Sa Centre Court, mag­haharap naman sina Andy Murray at Ivan Ljubicic.

Show comments