Belmonte pinapurihan ang mga nagtapos sa Champs for Joy
MANILA, Philippines - Ikinatuwa ni Quezon City Vice Mayor ang matagumpay na pagdaraos ng “Champs for Joy” swimming program kung saan 300 QC boys at girls ang naturuang lumangoy ng mga national coaches ng Diliman Preparatory School at ng Philipine Swimming League sa DPS Swimming Center.
Nabigyan ang mga bata ng libreng swim lessons mula noong Mayo 15 hanggang Hunyo 15 ni PSL coach Edgar Galeno sa DPS Swimming center sa Commonwealth Quezon City.
Ang DPS Swimming Center na ang paaralan ay pinamumunuan ni dating Sen. Nikki Coseteng ay pinamamahalaan ni PSL president at founder Susan Papa.
Dinaluhan nina Belmonte, Coseteng at Papa ang Graduation Day ng Summer “Champs for Joy” free swimming lesson.
Ang Learn to Swim project ay bahagi ng Champs for Joy program ni Belmonte.
“The swimmers are completely transformed, I saw them when the children started and now they became disciplined.” sabi ni Belmonte.
Sinabi naman ni Coseteng, naging manager-owner ng isang PBA ball club, na “the swimming center is also created to develop talents from grassroots.”
Sinabi ni Coseteng na ang mga graduate swimmers ay ipagpapatuloy ang kanilang developmental program at lalahok sa Novice competition ngayong buwan.
Nangako si Belmonte na ipagpapatuloy ang programa para sa competitive swimming training.
- Latest
- Trending