^

PSN Palaro

Malaking selebrasyon sa Dallas ikinasa na

-

DALLAS--Humigit-kumulang sa 250,000 katao ang makikipagdiwang kina Dirk Nowitzki, Jason Kidd at Jason Terry at sa Dallas Mavericks, ang 2011 NBA champions sa Huwebes.

Lahat ay makikita ng ka­nilang mga fans mula sa mga players hanggang sa mga coaches, sa front office hanggang kay franchise founder Donald Carter, siyang tumanggap ng championship trophy nang talunin ng Mavs ang Miami Heat sa Game 6 noong Linggo.

“The parade is going to be amazing,” sabi ni No­witzki, ang NBA Finals MVP. “We’re going to enjoy the heck out of that.”

Noong 2006, nakuha ng Mavericks ang 2-0 lamang sa kanilang NBA F­inals ng Heat at lubhang inasahan ng mga local officials na ang Dallas na ang magkakampeon kaya sila gumuhit ng victory parade.

Ngunit kinuha ng Miami ang huling apat na laro para sa kanilang NBA cham­pionship sa Dallas.

Ngayon, si Mavs owner Mark Cuban ang mismong gagastos para sa kanilang victory parade.

“Mark understands the importance of this moment, not only to him and to the league but to this city,” wika ni coach Rick Carlisle.

Sinabi naman ni No­witzki na dapat lamang ma­ging bahagi ng kanilang pag­diriwang ang kanilang mga fans, nagbigay sa kan­ya ng isang standing ovation mula sa kanyang pagiging rookie hanggang sa pagiging isang NBA superstar.

Ang parada na magsisimula sa Dallas Convention Center downtown ay matatapos sa American Airlines Center.

AMERICAN AIRLINES CENTER

DALLAS CONVENTION CENTER

DALLAS MAVERICKS

DIRK NOWITZKI

DONALD CARTER

JASON KIDD

JASON TERRY

MARK CUBAN

MAVS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with