^

PSN Palaro

Dallas mainit na sinalubong sa kanilang pagbabalik

-

DALLAS--Nagbalik ang Dallas Mavericks sa kanilang tahanan kung saan sila pinapurihan ng kanilang mga fan para sa kauna-unahang NBA title ng prangkisa at unang professional championship para sa anumang sport.

Bumaba si owner Mark Cuban sa eroplano sa Love Field dala-dala ang championship trophy na ibinigay sa kanya sa kanilang panalo sa Game 6 laban sa Miami Heat.

Sumunod sa kanya si forward Dirk Nowitzki na bitbit naman ang kanyang NBA finals MVP trophy.

Katabi ni Cuban, ang Dallas billionaire na bumili sa koponan noong 2000, sa kanyang upuan sa eroplano ang NBA championship trophy.

“This will sound weird,” wika ni Cuban sa kanyang Twitter. “I’m laying in bed. With the trophy next (to) me.”

 Ipagpapatuloy ni Cuban ang party hanggang Hu­webes ng umaga para sa victory parade ng Mavericks sa mga kalsada ng Dallas.

Ito ang kauna-unahang NBA championship ng Mave­ricks sa kanilang 31-year history kung saan nakilala sila bilang pinakamahinang tropa sa NBA. Natalo rin sila sa Miami sa 2006 Finals sa kabila ng pagkuha sa malaking 2-0 lamang sa serye.

 Ito ang unang titulo ng Dallas sapul nang angkinin ng Dallas Stars ang Stanley Cup noong 1999.

 Sa paggiba ng Mavericks sa Heat sa Game 6, napuno naman ng mga fan ang downtown Dallas noong Linggo upang ipagdiwang ang kanilang tagumpay.

Itinala ng pulisya ang 14 arrests, kasama ang anim para sa public intoxication, apat sa disorderly conduct at apat sa pagkakaroon ng outstanding warrants.

DALLAS MAINIT NA SINALUBONG SA KANILANG PAGBABALIK

CHAMPIONSHIP

CUBAN

DALLAS

DALLAS MAVERICKS

DALLAS STARS

DIRK NOWITZKI

KANILANG

LOVE FIELD

NBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with