^

PSN Palaro

Camacho, Magat kinilalang deputy Chef De Mission sa 2011 SEA Games

-

MANILA, Philippines -  Tinapik ng Philippine Olympic Committee (POC) sina Julian Camacho at Romeo Magat upang siyang makatulong ni Chief of Mission Dr. Sim Chi Tat sa 26th Southeast Asian Games sa Indonesia sa Nobyembre.

Inihayag ito ni POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. sa isinagawang POC General Assembly ka­hapon sa Wack Wack Golf and Country Club sa Man­daluyong City.

IIniluklok rin ni Cojuangco si POC first vice-president Manny Lopez bilang CDM sa 2012 Olympic Games na gagawin sa London.

Kinailangan ng POC na maghanap ng bagong de­puty CDM matapos magbitiw bilang co-CDM si PSC Commissioner Chito Loyzaga dahil sa pagtanggap nito sa puwesto bilang executive director ng komisyon.

Wala pang bilang kung ilan ang atletang masasama sa delegasyon dahil bukas ang POC na tanggapin ang mga manlalarong maipapakita na karapat-dapat silang isama sa Indonesia.

Hiningi na rin ng POC sa mga kasaling NSAs ang kanilang entry by numbers sa Hunyo 15.

Ang pagnombra naman kay Lopez bilang CDM sa London Games ay ginawa na dahil maraming katanu­ngan ang ipinararating ng mga organizers sa mga National Olympic Committees (NOCs). (ATAN)

COJUANGCO

COMMISSIONER CHITO LOYZAGA

DR. SIM CHI TAT

GENERAL ASSEMBLY

JULIAN CAMACHO

LONDON GAMES

MANNY LOPEZ

NATIONAL OLYMPIC COMMITTEES

OLYMPIC GAMES

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

POC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with