^

PSN Palaro

Smart Taekwondo Olympic team magsasanay sa Korea

-

MANILA, Philippines -  Nakatutok sa 2012 London Olympic Games, ang mga miyembro ng SMART Olympic Taekwondo Team ay sasailalim sa isang exclusive training sa Korea mula Hunyo 6-18 bilang paghahanda sa world qualification tournament sa Baku, Azerbaijan sa Hunyo 25 hanggang Hulyo 4.

Ang SMART team ay binubuo nina John Paul Lizardo, Marlon Avenido, Samuel Thomas Harper Morrison, Jose Anthony Soriano, Jyra Marie Lizardo, Pauline Loui­se Lopez, Jade Zafra at Maria Camille Ma­nalo.

“They’re the best among the current crop of Filipino fighters,” wika ni Philippine Taekwondo Association vice president Sung Chon Hong. “They have been tested in va­rious local and international competitions.”

Ang koponan ay sasamahan ni Korean coach Kim Hong Sik.

Ang pagsasanay ng mga Filipinos ang magpapalakas sa kanilang fighting spirit at magpapatalas ng kanilang skills sa pagharap sa mga Koreans mula sa mga Korean taekwondo schools at gymnasiums kabilang na ang Pung Seng School at Dong-A University, Yong In University.

Makikipagsukatan rin sila sa mga Samsung’s professional players.

Apat na London Olympic berths--dalawa sa male at dalawa sa female--ang pag-a­agawan sa world qualifying event.

Tig-apat pang male at female slots ang nakataya sa Asian qualification tournament na nakatakda sa Nobyembre 2-4, 2011 sa Bangkok.

Ang training ng koponan ay suportado ng SMART Communications, PLDT at Philippine Sports Commission.            

DONG-A UNIVERSITY

HUNYO

JADE ZAFRA

JOHN PAUL LIZARDO

JOSE ANTHONY SORIANO

JYRA MARIE LIZARDO

KIM HONG SIK

LONDON OLYMPIC

LONDON OLYMPIC GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with