^

PSN Palaro

Semis pakay ng Gilas vs Syria

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Upuan sa semifinals ang magpapainit sa ipakikit­ang laro ng Smart Gilas Pi­li­pinas sa pagbubukas ng knockout quarterfinals ngayon sa 22nd FIBA Asia Champions Cup sa Philsports Arena sa Pasig City.

Katunggali ng Gilas ang Al Jala’a-Syria sa alas-6 ng gabi na laro at ang mananalo rito ay papasok sa Last Four ng torneo.

Ang unang sagupaan ay sa pagtian ng Al Riyadi-Lebanon at Duhok-Iraq sa alas-2 ng hapon bago sundan ng Mahram-Iran at Al Itihad-Saudi Arabia da­kong alas-4. Ang huling laro dakong alas-8 ng gabi ay sa pagitan ng ASU Jordan at Al Rayyan-Qatar.

Nakuha ng koponang hawak ni Serbian coach Rajko Toroman ang unang puwesto sa Group A nang walisin ang apat nilang la­ro.

Nagselyo sa magandang ipinakita ng Gilas sa group elimination ay ang 76-74 panalo sa ASU-Jor­dan nitong Miyerkules ng gabi.

Ang Syria naman ang nalagay sa ikaapat na puwesto sa Group B taglay lamang ang isang panalo sa apat na laro.

 Pero hindi maaaring biruin ng Pilipinas ang Sy­rian team dahil dalawang beses na silang nananalo sa Gilas sa pagtutuos na ginanap sa 2009 Dubai Invitational at sa consolation round ng 2010 Champions Cup sa Doha Qatar.

 “We can’t be overconfident against Syria because they are an experience team and has the size ad­­vantage,” ani Toroman na ginagamit ang liga bilang bahagi ng paghahanda para sa FIBA Asia Men’s Championship na gagawin sa Setyembre sa Wuhan, China.

Susi para manalo ang home team ay ang ma­gandang team work na na­ipakita sa unang yugto ng labanan.

Si 6’10 naturalized player Marcus Douthit ang nangunguna sa koponan sa kanyang 13.8 puntos at 10.8 rebounds sa apat na laro.

Pero nag-aambag din ng solidong kontribusyon sina Dondon Hontiveros, Paul Asi Taulava, JV Casio, Chris Tui, Mark Barroca at Mac Baracael kaya’t nakapamayagpag agad ang Gilas.

 Ang mananalo sa Pilipinas at Syria ang siyang ma­kakalaban ng mananalo sa Iran at Saudi Arabia sa semifinals.  

vuukle comment

AL ITIHAD-SAUDI ARABIA

AL JALA

AL RAYYAN-QATAR

AL RIYADI-LEBANON

ANG SYRIA

ASI TAULAVA

ASIA CHAMPIONS CUP

ASIA MEN

CHAMPIONS CUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with