MANILA, Philippines - Pamumunuan ng mga Sudirman Cup campaigners ang paghataw ng second leg ng MVP Sports Foundation-Bingo Bonanza Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) tournament ngayong araw sa Pohang Badminton Courts sa Bacolod City.
Sina Malvinne Ann Alcala, Bianca Carlos, Gelita Castilo, Antonino Gadi, Joper Escueta at Peter Magnaye, iginiya ang Team Philippines sa runner-up finish sa Level 4 ng nakaraang Sudirman Cup sa China, ang aagaw ng pansin sa nasabing week-long tournament.
Ang 16-anyos na si Alcala, 16, maglalaro sa unang pagkakataon sa naturang P1 million event matapos kumampanya sa ibang bansa noong Marso, ang babandera sa girls’ division sa proyektong ito nina Vice President Jejomar Binay, Rep. Albee Benitez at businessman-sportsman Manny Pangilinan.
Winalis naman ni Carlos ang Open at Under-19 titles bukod pa ang girls doubles plum sa kickoff leg ng four-stage nationwide circuit.
Makakatapat ni Carlos ng Golden Shuttle Foundation si Alcala para sa pag-aagawan sa korona at sa ranking points.
Ang nasabing event, may basbas ng Philippine Olympic Committee, Philippine Sports Commission at ng Philippine Badminton Association, ay may nakalatag na premyo.
Sa Open class nakahanay ang P70,000 at ang mananalo sa U-19 at U-15 divisions at tatanggap ng P20,000 at P10,000, ayon sa pagkakasunod.
Para sa detalye, maaaring mag-log on sa www.pbars.com o sa email info@pbars.com.
Ang mga paglalabanang events ay ang singles, men’s at ladies doubles at mixed doubles events sa Open, U-19 at U-15 divisions.