^

PSN Palaro

3 dikit na panalo pakay ng Gilas vs Iraq

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Ikatlong sunod na panalo ang nakataya sa Smart Gilas Pilipinas sa pagharap sa Duhok ng Iraq ngayon sa 22nd FIBA Asia Champions Cup sa Philsports Arena.

Dakong alas-8 ng gabi masisilayan ang sagupaan at ang koponang hawak ni Serbian coach Rajko Toroman ay kagagaling lamang sa isang araw na pamamahinga kaya't tiyak na puno ng enerhiya ang larong maipapakita.

May dalawang dikit na panalo na ang host team at kung mangibabaw pa sa Iraq ay lalapit sa isang laro para sa asam na sweep sa group elimination. Huling laban ng Gilas ay sa ASU-Jordan bukas.

Mahalaga ang malagay sa unang puwesto sa grupo dahil ang makakatapat nila ay ang number four team sa Group B sa knockout quarterfinals.

Malakas na panimula ang ginagawa ng Gilas dahil una nilang dinurog ang Al Ittihad ng Saudi Arabia, 101-69, noong Sabado bago isinunod ang KL Dragons ng Malaysia, 95-64.

Walang nagdodominang manlalaro sa Gilas dahil iba-iba ang pumupuntos na siyang nagpapahirap sa kalaban.

Hindi naman nakikita ni Toroman na magkakaroon ng problema ang Gilas sa Iraq pero matapos ito ay sisimulan na ng koponan ang tunay na laban.

“The real games are coming. We expect the games to be tougher and tougher, the level of basketball will be higher and higher,” wika ni Toroman.

Kaya nga sa bawat laro ay nais ni Toroman na mag-ibayo pa ang ipinakikita ng kanyang bataan.

Sina Chris Tiu at Mark Barroca ang mga inaasahang mamumuno sa koponan habang ang suporta ay tiyak na manggagaling kina Japeth Aguilar, Chris Lutz at Dondon Hontiveros.

Ang naturalized player na si Marcus Douthit at Paul Asi Taulava ang mamamahala sa pagkontrol sa shaded area bukod sa pagtapat sa mga imports ng Iraq sa pangunguna ng dating Gilas import CJ Giles.

May 0-2 karta ang Iraq at si Giles ay hindi pa nakikitaan ng magandang laro. Bunga nito, dapat maghanda ang depensa ng Gilas dahil maaaring maging karagdagang inspirasyon niya ang maipakitang mas karapat-dapat siyang maging naturalized player ng koponan.

Ang 6’10 na si Giles ay orihinal na napusuan para maging naturalized player pero biglang nagbago ang isipan nito at umuwi ng US.

Nagbalak naman siyang bawiin ang desisyon pero hindi na siya tinanggap ng koponan dahil nakita na nila si Douthit na ang papeles para maging Filipino ay naayos na matapos maipasa ang batas para sa kanyang naturalization.

AL ITTIHAD

ASIA CHAMPIONS CUP

CHRIS LUTZ

DONDON HONTIVEROS

GILAS

GROUP B

JAPETH AGUILAR

MARCUS DOUTHIT

MARK BARROCA

TOROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with