MANILA, Philippines - Selyado na ni Harbour Centre CEO Mikee Romero ang pampanguluhan ng Philippine National Shooting Association (PNSA).
Sinasabing 11 sa kabuuang 15 PNSA board members ang pabor na sa kandidatura ni Romero upang makahalili ang nagbitiw na pangulo at two-time Olympian Art Macapagal.
Ang grupo ng rifle ay sumama na sa grupo ng pistol at trap at moving target na hawak nina Nathaniel “Tac” Padilla at James Chua para tumibay pa ang plano ng businessman/sports patron na maging pangulo ng PNSA na isang Olympic sport.
“As a shooting lover, I would like to welcome Mr. Romero to our association. He competed in a big tournament in the past so he knows very well the charter of the association,” wika ni Col. Danilo Gamboa na miyembro ng pistol team mula 1975 hanggang 1985.
Malaki ang paniniwala ni Gamboa na makakatulong si Romero sa hangaring tagumpay sa Southeast Asian Games sa Nobyembre sa Indonesia dahil sa kanyang malawak na koneksyon sa pribadong sector.
“He has the fell for the sport. We need young blood who can infuse new and sound ideas to the group. I hope we in the Board can sit down the soonest possible time to fill the leadership vacuum,” dagdag pa ni Gamboa.
Sa Constitution and By Laws ng PNSA, ang isang pangulo ay dapat manggagaling mula sa 15-board members.
Si Romero ay nonombrahin ng trap and moving target bilang isa sa tatlong kinatawan sa board kapag naidaos ang Board meeting.
Nasabi naman na ni Romero ang kahandaan na magtrabaho upang maiangat ang estado ng shooting sa malalaking kompetisyon sa labas ng bansa.
“I love to serve as head of the sports association that is dearest to my heart. I’m humbled by the strong support of the shotgun shooters so if I’ll get majority of the votes, then I’m willing to lead the association to greater heights,” wika ni Romero.
Kung mauupo ay hangad rin ni Romero na magkaroon ng pagkakaisa ang mga opisyal ng PNSA dahil naniniwala siya na isa lamang ito sa paraan upang magkaroon ng katuparan ang hinahangad na pagpapaganda sa naturang sports.