^

PSN Palaro

Araneta Coliseum venue ng Pacquiao-Marquez press tour

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Sa muling pagtungtong ng Pilipinas ni Juan Manuel Marquez, magkikita sila ng personal ni Manny Pac­quiao hindi para hamunin siya kundi para ipalaganap ang kanilang magaganap na laban sa Nobyembre 12.

Sa plano ni Top Rank promoter Bob Arum, tutu­ngo sa Manila si Marquez sa bandang Agosto para simulan ang press tour ng ikatlong pagtutuos nila ng Pambansang kamao.

Ang Araneta Coliseum ang balak pagkaganapan ng unang press tour ng labang pinaniniwalaan ni Arum na hahakot ng mala­king pera dahil sa interes ng mga boksingero na ma­kitang maglaban uli ang dalawa matapos mauwi sa tabla ang unang tagisan noong 2004 at split decision panalo sa ikalawang pagtutuos noong 2008.

Kilala ni Arum ang may-ari ng Big Dome dahil ang venue na ito ang siyang pinagdausasn ng Ali-Frazier Thrilla in Manila na nangyari noong Setyembre 30, l975.

Noong 2009 ay duma­ting sa bansa si Marquez upang dito personal na ha­munin si Pacman na maglaban uli.

Hindi matanggap ng 37-anyos Mexican boxer ang tinamong split decision kabiguan sa ikalawang pagtutuos dahil sa kanyang palagay ay nanalo siya sa laban. Tatlong taon na ang nakalipas mula ng huling laban at ngayon taon nga ay madedetermina na nga kung sino kina Marquez at Pacquiao ang mas mahusay.

Sa catchweight na 144 pounds maglalaban ang dalawa na kung saan itataya ng kasalukuyang pound for pound king ang hawak na WBO welterweight title.

 Ginarantiyahan ni Arum si Marquez ng $5 milyon premyo bukod pa sa porsiyento sa Pay Per View kapag tumabo ng mahigit na 750,000 buys ang laban.

Upang magkaroon ng malawig na promotions, sa iba’t ibang bansa tutulak ang dalawa para sa promotion.

Kasama sa mga bansang bibisitahin ay ang Tokyo, Singapore, Malaysia bukod pa sa London, New York, Los Angeles at Mexico.

 “

ALI-FRAZIER THRILLA

ANG ARANETA COLISEUM

BIG DOME

BOB ARUM

JUAN MANUEL MARQUEZ

LOS ANGELES

MANNY PAC

MARQUEZ

NEW YORK

PAY PER VIEW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with