Alcala sasabak sa PBaRS para sa asam na korona
Manila, Philippines - Lalahok si Malvinne Ann Alcala sa MVP Sports Foundation-Bingo Bonanza Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) sa hangaring makuha ang titulo sa second leg na nakatakda sa Mayo 31 sa Pohang Badminton Courts sa Bacolod City.
Hindi nakasali si Alcala ang inaugural staging ng bagong ranking tournament sa bansa noong nakaraang buwan.
Nagmula ang 16-anyos na si Alcala sa panalo sa 2011 Lining Australia Juniors sa Australia at inaasahang katatakutan sa Open at Under-19 divisions na torneong proyekto nina Vice President Jejomar Binay, Rep. Albee Benitez at businessman-sportsman Manny Pangilinan.
Tatlong panalo ang sinilo ni Bianca Carlos sa PBaRS inaugurals, kasama rito ang Open at U-19 singles crowns.
Nasa torneo rin sina La Salle’s Danica Bolos, Reyne Calimlim at Pauline Ramos, Iloilo’s Annelyn Alba at Camille Burgos, Bulacan’s Ana Fajardo, Kathleen Balatbat, Jamila Cruz ng Victor-Pcome at Escoses Training Camp’s Pamela Lim at Cassandra Lim.
Ang Bacolod swing ay ikalawa sa apat na torneong inilinya ngayong taon sa mga probinsya para mabigyan ng pagkakataon ang mga provincial players na makalaro sa top-level tournaments at makakuha ng ranking points.
- Latest
- Trending