^

PSN Palaro

De La Hoya humingi ng tawad kina Arum, Pacquiao

- Ni ATan -

Manila, Philippines - Nagpakumbaba si Oscar De La Hoya sa mga maling ginawa nang hu­mingi ito ng tawad kina Top Rank Promoter Bob Arum at sa pambansang kamao Manny Pacquiao.

Sa kanyang twitter account, ipinabatid ni De La Hoya ang kanyang pag­hingi ng paumanhin sa da­lawa matapos pulaan ang mga nagawa ni Pacquiao sa kanyang boxing career.

“Dear Bob Arum, first I would like to humbly apologize for the pain I have caused to you or to your family,” wika ni De La Hoya. “I also want to apologize to Manny Pacquiao for any wrong doing in my part. You are a great champion,” wika pa nito sa kanyang twitter.

Nagkairingan ang Gol­den Boy at si Arum sa aga­wan para kay Pacquiao na naresolbahan sa korte.

Naulit ang iringan ng dalawang boxing promotions nang pasukin ng GBP si Filipino Flush Nonito Do­naire Jr. na dating hawak ng Top Rank. Dinidinig naman ang kasong ito kaya’t hindi pa nakakalaban uli si Donaire.

Pinulaan naman ni De La Hoya ang husay na taglay ni Pacquiao nang sa­mahan si Floyd Maywea-ther Jr. sa pagdududa kung gumagamit ba ito ng illegal na droga dahil patuloy nitong napapanatili ang lakas kahit panay ang akyat ng timbang.

Nagduda si De La Hoya dahil bugbog siya kay Pacquiao at napilitang umayaw sa pagtatapos ng eight round nang nagtuos noong 2008. Dahil sa paninirang puri ay nagsampa ng rek­lamo sa korte si Pacquiao at dinidinig pa ito hanggang ngayon.

Si De La Hoya ay kasalukuyang nasa rehabilitation center.

Nagkairingan naman ang GBP at ni Arum sa aga­wan kay Manny.

vuukle comment

DE LA HOYA

DEAR BOB ARUM

FILIPINO FLUSH NONITO DO

FLOYD MAYWEA

NAGKAIRINGAN

OSCAR DE LA HOYA

PACQUIAO

SHY

SI DE LA HOYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with