Matinding labanan sa PNG simula na ngayon
BACOLOD CITY, Philippines --Ang fun run ang siyang unang event na pakakawalan ngayong umaga para sa pagsisimula ng 2011 Philippine National Games dito sa Bacolod City New Government Center.
Nakapaloob sa fun run ang mga kompetisyon sa 10-kilometer, 5-kilometer at 3-kilometer run.
Hahataw naman ang apat sa kabuuang 34 sports events sa 2011 PNG sa pamamagitan ng gymnastics sa St. John Institute at San Agustin College Gymnasium, ang canoe/kayak sa Bantayan Park, Bago River at ang arnis sa Silay City Plaza.
Ang mga events na gagawin sa Bacolod City ay ang 5K at 10K marathon, athletics, badminton, beach volleyball, billiards, equestrian, fencing, gymnastics, judo, karatedo, lawn tennis, motorcycle sports, sailing, soft tennis, swimming, taekwondo, volleyball, wall climbing, weightlifting, wind surfing at wrestling.
Nasa Bago City naman ang canoe kayak, dragon boat, muay thai at wushu, habang ang baseball, road cycling, futsal, football, penkak silat, softball at table tennisay gagawin sa Talisay.
Ang Silay City ang magsasagawa ng archery, arnis, sepak takraw at triathlon.
Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia na ang naturang sports event ang kanilang magiging basehan sa pagpili ng mga atletang ibibilang sa national pool.
- Latest
- Trending