North vs South sino ang mas matikas?

BORACAY, Philippines --Papagitna ang mga bituin ng Philippine Basketball Association sa paghataw ng 2011 Hala Bola! All-Star Game.

Hangad ng North squad, babanderahan nina starters Gabe Norwood, Marc Pingris, Kerby Raymundo, Willie Miller at LA Tenorio sa ilalim ni All-Star rookie coach Ato Agustin, na maduplika ang kanilang 133-132 panalo sa South team noong nakaraang taon sa Puerto Princesa, Pa­lawan.

Magtatagpo ang North at South ngayong alas-6:30 ng gabi sa Boracay Eco-Village and Convention Center.

Una munang itatampok ang Legends Shootout na babanderahan nina Mark Macapagal, Ronald Tubid at Jimmy Alapag laban kina PBA greats Allan Caidic, Alvin Patrimonio at Ato Agustin.

Nasa side event rin ang Creality Race na inihahandog ng Puma at L Timestudio watches, tampok ang ilang PBA players at officials.

Ito ang kickoff stage ng magiging annual adventure race na ginaya mula sa Amazing Race.

Sina Pingris at Kelly Williams ay naghayag na mananalo ang kanilang koponan sa All-Star Game kagaya nina Miller at Jay Washington.

Sina Menk, Washington, Williams, James Yap at Cyrus Baguio ang bubuo sa South starting unit ni coach Chot Reyes. Ang kanilang mga reserves ay sina Taulava, Jimmy Ala­pag, PJ Simon, Dondon Hontiveros, Danny Seigle, Joe Devance at Sonny Thoss.

Show comments