Pakitang Gilas kampeon

Manila, Philippines - Tinalo ng Pakitang Gilas, ang basketball team ng Philippine Sportswriters Association (PSA), ang Bacolod Azukals, 78-74, at angkinin ang Invitational Friendship Basketball League title noong Linggo sa Mauway gym sa Mandaluyong City.

Nagtuwang sina Eric Uy at Mark Sabusap sa kanilang 22 at 19 points, ayon sa pagkakasunod, para sa pagkopo ng Pakitang Gilas sa korona.

Nagdagdag naman si Jerome Lagunzad ng 10 points kasunod ang 9 points ni Cedelf Tupas ng Inquirer at 6 points ni AJ Bolando ng In TheZone.com.ph.

Ang paglahok ng tropa sa torneo ay mula sa suporta ng PSA, San Miguel Corp., at ACCEL.

Winalis ng Pakitang Gilas ang lahat ng kanilang anim na laro.

Show comments