Riders na kano sa Pinas

BALDWIN PARK, Ca­­lifornia--Nakatakdang bu­misita sa bansa ang Ame­rikanong motoracers na sina Jake Locks, Tiger Lacey at Dennis Stapleton para sumali sa ikalawa at ikalimang yugto ng World Motocross 2011 Series sa Lanao del Norte.

Ang SEL-J Sports, ang nangungunang tagapagtaguyod ng motocross sa Pilipinas, ang nag-organi­sa ng racing series kung saan ang mga elite motocross riders ng bansa ang makakatapat nina Locks, Lacey at Stapleton.

Ang tatlo ay mga inter­national superstars ng American Motocross As­so­­ciation (AMA). Inisponsoran ng pangulo ng SEL-J Sports na si Jay Lac­nit ang tatlong riders mu­la Amerika sa katatapos pa lamang na Las Vegas Super Cross.

Bibisita sa bansa ang tatlo hindi lamang upang lumahok sa Enersel Forte Philippine National Moto­cross Series at World/Motocross Series, kundi upang magsagawa din ng mga seminar sa freestyle event ng motocross.

Ang first leg ng Motocross Series na ginanap sa Sta. Barbara, Iloilo noong Abril ay ang una sa apat na international races na nasa 12-leg circuit.

Ang grand finale ay na­katakda sa Disyembre sa world-class na MCC ra­cetrack sa Lanao Del Nor­te.

Ang Lanao del Norte din ang nag-host ng kauna-unahang international mo­to­cross sa bansa noong Dis­yembre 2010.

Show comments