Celtics sumagasa ng isang panalo sa Heat
BOSTON - Sa kabila ng kanyang dislocated elbow, nagtala pa rin si Rajon Rondo ng 11 assists bukod pa ang kanyang ilang one-armed baskets sa fourth quarter para igiya ang Boston Celtics sa 97-81 panalo laban sa Miami Heat sa Game 3 ng Eastern Conference semifinals.
Inilapit ng Celtics sa 1-2 ang kanilang best-of-seven semis series ng Heat.
“He showed he’s a really tough young individual,” sabi ni Kevin Garnet, humakot ng 28 points at 18 rebounds para sa Boston, kay Rondo. “I don’t know what he’s going to be like when he’s 35, but right now he’s playing pretty well.”
Gagawin ang Game 4 sa Boston.
Nagdagdag naman si Paul Pierce ng 27 points para sa defending East champions, nakaiwas na mabaon sa isang 0-3 deficit sa serye.
“The playoffs are here. This is what it’s about: Bruises, whatever, you’ve got to keep on going,” ani Celtics’ guard Delonte West. “I think that light clicked on for us today.”
Nagtala naman si Dwyane Wade ng 23 points at 7 assists para sa Heat, habang nagtala si Joel Anthony ng 12 at 11 rebounds.
Sa Memphis, nagposte si Zach Randolph ng 21 points at franchise-record 21 rebounds upang tulungan ang Grizzlies sa pagbangon mula sa isang 16-point deficit patungo sa kanilang 101-93 overtime win sa Oklahoma City Thunder at angkinin ang 2-1 lead sa kanilang Western Conference semifinal.
Hangad ng Grizzlies na maging unang No. 8 seed na nagtuluy-tuloy sa Western Conference finals.
Nalimita naman si Kevin Durant, ang NBA’s scoring leader sa regular season at maging sa playoffs, sa tatlong basket sa overtime na pawang nagsipagmintis rin. Tumapos siya ng 22 puntos, ang kanyang mababang scoring ngayong post season matapos magtala ng average na 31.6 points sa mga huling laro.
- Latest
- Trending