Shane nangangarap ng KO na panalo
LAS VEGAS-- Gusto ni Shane Mosley na manalo sa pamamagitan ng knockout dahil ito rin ang gusto ng kanyang trainer na si Naazim Richardson.
"My coach says we're gonna knock Manny out," sabi ng 39-anyos na si Mosley na hindi binibigyan ng tsansang manalo kay Manny Pacquiao ngayon sa MGM Grand. Ngunit hindi iniintindi ni Mosley ang odds kung saan siya isang 1-6 underdog at kung hanggang saan siya tatagal laban kay Pacquiao.
Sinabi na ni trainer Freddie Roach na matatapos ang laban sa loob ng pitong rounds.
"But my team says the same thing. So, if these people say the same thing then it's going to be a good fight," sabi ni Mosley.
Si Richardson, isang top-caliber trainer, ay pagod na sa kakabasa at kakarinig na hindi na makakaya ni Mosley ang muling magkampeon.
- Latest
- Trending