Black 4 nakalusot sa Bukid sa 2nd Coca-Cola Hoopla

Manila, Philippines - Nalusutan ng Black 4 ang Bukid, 86-85, nitong Huwebes para sa maha­lagang panalo papalapit sa pagtapos ng Intra-City elimi­nation sa 2nd Coca-Cola Hoopla National Capital Region Championship.

Ang iba pang nagsipa­nalo sa araw na ito ay Jose laban sa Bagong Nayon, 138-87, sa Antipolo; Almanza Uno laban sa Daniel, 95-82, sa Las Pinas; Yasco sa Southern Side, 84-62, sa Muntinlupa, Batang Pasay laban sa Pasay Warriors, 105-92, sa Pasay City; Onse sa Salapan, 80-75, sa San Juan; Libid laban sa Lunsad, 93-62, sa Binango­nan; Dolores laban sa San Isidro, 73-59, sa Taytay at Pinagbuhatan laban sa Brgy. Kapasigan,108-78, sa Pasig.

Iinit ang tagisan sa ho­me and away Inter-City phase sa Lunes dahil sa tig-dalawang maiinit na laro sa hanay ng limang sona.

Ang labanan sa East ay sa pagitan ng Quezon City at Pateros sa alas-6 ng gabi sa Libis Covered Court sa Quezon City at Pasig laban sa Marikina sa alas-7 ng gabi sa Concepcion Lino sa Marikina. Ang Caloocan ay lala­ban sa Navotas sa ika-6 ng gabi sa Navotas Sports Complex at ang Valenzuela ay sasagupa sa Malabon sa alas-7 ng gabi sa Hulong Duhat Covered Court sa Malabon sa North games.

Show comments