^

PSN Palaro

Pagulayan kampeon sa California One Pocket Challenge

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Ibinandera uli ni Alex Pagulayan ang bandila ng Pilipinas sa US nang manalo siya sa California One Pocket Challenge na idinaos sa California Billiard Club sa Mountain View.

Ang kompetisyon ay ginanap noong Abril 27 hanggang 29 at si Pagulayan ay hindi natalo sa kabuuan ng torneo.

Kasama sa unang pinataob ni Pagulayan ay si Bran­don Shuff, 3-1, para marating ang hot seat sa winner’s group.

Si Scott Frost na kampeon ng Casper Classic One Pocket Championship ang siyang nagdomina sa one-loss bracket at kinalaban si Pagulayan.

Bagamat mas mahusay sa larong ito, hindi naman nakaporma si Frost nang kunin ng Filipino pool ace ang 3-0 tagumpay at maibulsa ang $3,000 unang gan­timpala.

Nakontento naman si Frost sa $1,500 premyo habang si Shuff ay mayroong $1,000 pabuya.

Ang panalong ito ni Pagulayan ay kanyang ikaapat sa 13 kompetisyong sinalihan at nag-akyat na sa kanyang kinita sa taong 2011 sa $30,460.

Ang iba pang titulo ni Pagulayan ay Derby Classic Banks Division, Jay Swanson Memorial at US Bar Table Championships men’s 10-ball division.

ALEX PAGULAYAN

BAR TABLE CHAMPIONSHIPS

CALIFORNIA BILLIARD CLUB

CALIFORNIA ONE POCKET CHALLENGE

CASPER CLASSIC ONE POCKET CHAMPIONSHIP

DERBY CLASSIC BANKS DIVISION

JAY SWANSON MEMORIAL

MOUNTAIN VIEW

PAGULAYAN

SI SCOTT FROST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with