MEMPHIS, Tenn.--Tuluyan nang pinatalsik ng No. 8 seeded Memphis Grizzlies ang No. 1 ranked San Antonio Spurs sa kanilang first-round series.
Nagtala si Zach Randolph ng 31 points at 11 rebounds para ihatid ang Grizzlies sa 99-91 paggupo sa Spurs patungo sa kanilang unang Western Conference semifinals.
Sisimulan ng Grizzlies ang second round laban sa Thunder sa Oklahoma City sa Linggo.
Tiwala si Memphis coach Lionel Hollins na magiging maganda pa ang kanilang ilalaro sa second round laban sa Oklahoma City.
“Not a lot of people knew about us coming in, but we certainly have made some noise and turned some heads and got some attention that probably wouldn’t have been given to us if we’d lost this series,” sabi ni Hollins. “We’d just be another eight seed losing to the No. 1 seed.”
Ang Grizzlies pa lamang ang ikalawang No. 8 seed na tumalo sa No. 1 seed matapos pahabain ng NBA ang first-round series sa isang best-of-seven.
Kumolekta si Marc Gasol ng 12 points at 13 rebounds para sa Memphis, habang nagdagdag ng tig-11 points sina Tony Allen at rookie Greivis Vasquez.
Pinamunuan naman ni Tony Parker ang San Antonio sa kanyang 23 points kasunod ang 16 ni Manu Ginobili, 12 ni Tim Duncan at 10 ni Antonio McDyess.
Dalawang beses kinuha ng Spurs ang lamang sa 2-0 at 80-79 mula sa isang 15-footer ni McDyess sa 4:41 ng fourth quarter.
Iniskor ni Randolph, nakuha ng Memphis noong 2009, ng 17 sa 29 points ng Grizzlies sa kabuuan ng final canto. Iniskor ni Randolph ang 10 sa 14 points.