Solong liderato asam ng Elite sa Group A

MANILA, Philippines - Pupuntiryahin ngayon ng Black Water Perfume na maging kauna-unahang koponan na makaapat na sunod na panalo sa pagpapatuloy ng PBA D-League Foundation Cup sa Arellano University Gym sa Le­garda.

Kalaban ng Elite ang NLEX sa tampok na laro dakong alas-4 at kung mapagtagumpayan ng bataan ni coach Leo Isaac ang kanilang misyon ay masosolo nila ang liderato sa Group A.

Magkasalo sa kasalu­kuyan ang Road Warriors at Elite sa unahan sa kanilang grupo kaya’t makakatiyak na magiging mahigpitan ang nasabing sagupaan.

“It will be a tough game but we are ready,” wika naman ni NLEX coach Boyet Fernandez.

Bago ito ay magpapang-abot naman ang Cobra Enery Drink at Café France sa alas-2 ng hapon at hangad ng bataan ni coach Lawrence Chongson na makuha ang ikatlong panalo sa apat na laro at makasalo ang pahingang Cebuana Lhuillier sa unahan sa Group B.

Show comments