^

PSN Palaro

Malakas na U-23 team isasabak ng PFF sa SEAG

- Olmin Leyba -

MANILA, Philippines - Habang naghahanda ang Azkals seniors team para sa 2014 World Cup Asian Qualifiers, isasabak naman ng Philippine Football Federation (PFF) ang pinakamalakas nilang U-23 squad para sa medalya sa Southeast Asian Games (SEAG).

Sinabi ni Azkals team manager at PFF national teams committee chairman Dan Palami na kasaluku­yan na silang tumutukoy ng mga recruits para sa PFF Suzuki Cup U-23 cham­pion­ships.

 “We’re already prepa­ring for the SEA Games and we’re doing our best to form the best U-23 team,” sabi ni Palami sa koponang hahawakan rin ni Azkals mentor Michael Weiss at tatampukan ng anim hanggang pitong Azkals sa pamumuno ni Fil-British goalie Neil Etheridge.

 Hindi pa nagwawagi ng medalya sa SEA Games ang Phl men’s football team.

 Sa kanyang scouting at tryouts activities sa Nagold, Germany, iniulat ni Weiss ang posible niyag pagkuha kay Patrick Reichelt, isang striker na tumipa ng limang goals para sa Cottbus se­cond team sa Nagold Inter­national Football tournament, at si Oliver Poetschke, isang malakas na central defender.

AZKALS

DAN PALAMI

MICHAEL WEISS

NAGOLD INTER

NEIL ETHERIDGE

OLIVER POETSCHKE

PATRICK REICHELT

PHILIPPINE FOOTBALL FEDERATION

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SUZUKI CUP U

WORLD CUP ASIAN QUALIFIERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with