Spurs giba sa Grizzlies

MEMPHIS, Tenn.--Isang panalo na lang ang kailangan ng Memphis Grizzlies para sa isang franchise history at hindi na inaasahan ni Shane Battier na makakabalik pa ang San Antonio Spurs.

Inilampaso ng Grizzlies ang Spurs, 104-86, at kaila­ngan na lamang ng isang panalo para maging ika­la­wang No. 8 seed na sumibak sa top seed sa isang best-of-seven series sa NBA playoffs.

Nakatakda ang Ga­me 5 sa Miyerkules sa San Antonio.

 Kabuuang 61 games ang naipanalo ng Spurs sa regular season at dalawang laro lamang ang kanilang naipatalo.

Sa iba pang laro, tinalo ng Dallas Mavericks ang Portland Trail Blazers, 93-82, sa Game 5 upang kunin ang 3-2 abante sa kanilang serye. 

Naiwasan naman ng Denver Nuggets ang ‘sweep’ sa kanila ng Okl­ahoma City Thunder nang agawin ang 104-101 tagumpay sa Game 4 para sa kanilang 1-3 agwat sa serye.

Show comments