Shooting planong isama ni Romero sa NCAA, UAAP kapag...

MANILA, Philippines - Tumuklas ng mga batang shooters na huhubugin sa paglahok sa maraming kompetisyon.

Ito ang plano ni Sports patron at Harbour Centre CEO Mikee Romero saka­ling ibigay sa kanya ang pampanguluhan ng Philippine National Shooting As­sociation (PNSA).

Makakatuklas lamang ng mga bata kung maisasama ang shooting sa mga nilalarong sports sa UAAP at NCAA.

Sakaling mangyari ito, ang mga batang makikita ay makakapaglaro rin sa iba pang malalaking torneo sa bansa dahil plano ni Romero na gawing taunan na ang Philippine National Youth Shooting Week na isasabay sa Philippine Na­tio­­nal Open Week bandang Hunyo at Hulyo.

Para pagtibayin ang naturang mga plano ay ma­kikipag-ugnayan siya sa mga opisyales ng Department of Education (Dep­Ed) na siyang may sa­kop sa mga paaralan at unibersidad na kasali sa UAAP at NCAA bukod sa pagpapatibay sa relasyon ng PNSA sa Phi­lippine Olympic Committee (POC) at Phi­lippine Sports Commission (PSC).

“Concentration on the Youth shooters should be the primordial goal if ever I am elected as the next PNSA president. Developing shooters in the high school and collegiate levels is a must and expanding the base shooters to a pool of 100 youth shooters would be my first objective,” wika ni Romero.

Naghahanap ng ba­gong pangulo sa PNSA matapos magbitiw sa puwesto si Art Macapagal.

Itinutulak ng grupo ng moving target na pina­ngungu­nahan ni James Chua si Romero upang pu­malit kay Macapagal.

Tumibay pa ang laban ni Romero sa asam na puwesto nang umatras na rin sa planong kumandidato si Nathaniel “Tac” Padilla na pinuno ng pistol at rifle group.

Kailangan muna ni Ro­mero na mapasok sa 15-man board bago maikonsidera bilang kandidato sa PNSA presidency.

Ang mga bumubuo sa 15-man board ay mula sa tig-tatlong kinatawan ng pistol, rifle, practical shoo­ting, moving target at non-Olympic events.

Pero sa tinatakbo at suportang nakukuha, hindi malayong mapagtagumpa­yan ni Romero ang ha­ngad na matulungan ang shooting tulad ng naunang ginawa sa kanyang kinaa­anibang sports association na gaya ng basketball, cycling at baseball.

Show comments