^

PSN Palaro

Lopez handa na sa pagharap sa Mexican challenger

-

MANILA, Philippines - Maigting na pinaghahandaan ng Zamboanga, Sibugay ang nakatakdang homecoming bout ni World Boxing Council (WBC) International super flyweight champ Silvester Lopez la­ban kay Mexican challen­ger Everardo “EL Zihua” Morales sa Mayo 14.

Ang nasabing 12-round title bout ay idaraos sa Kabasalan Gymnasium sa Kabasalan.

Pinamumunuan ni Ma­yor George Cainglet ng Kabasalan ang promotional campaign para sa naturang boxing event na posibleng ihalintulad sa mga nakaraang laban nina Luisito Espinosa at Manny Pacquiao sa Mindanao.

Sakaling manalo kay Morales, maaari nang ma­nga­rap si Lopez para sa WBC super flyweight title.

Hindi naman mapakali si Cainglet, tinutulungan nina Rep. Romeo Jalosjos Jr. at Gov. Rommel Jalosjos, sa pagkakaroon ng 53 professional fights ni Mo­rales.

Si Lopez ay No. 2 sa WBC rankings sa 115 pounds division at posibleng makalaban ang mananalo sa pagitan nina WBC super flyweight champion Tomas Rojas at challenger Juan Jose Montes sa Mayo 21.

GEORGE CAINGLET

JUAN JOSE MONTES

KABASALAN

KABASALAN GYMNASIUM

LUISITO ESPINOSA

ROMEO JALOSJOS JR.

ROMMEL JALOSJOS

SI LOPEZ

SILVESTER LOPEZ

TOMAS ROJAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with