Mosley bibigay sa 5th round-Ariza
MANILA, Philippines - Hanggang fifth round lamang makakapagbigay ng magandang laban si Shane Mosley.
Ito ang sinabi ni Alex Ariza ang conditioning coach ni Manny Pacquiao na siyang makakalaban ni Mosley sa Mayo 7 para sa WBO welterweight title ng una na paglalabanan sa MGM Grand sa Las Vegas.
Ibinase ni Ariza ang prediksyon sa training na ginagawa ni Mosley sa mataas na lugar sa Big Bear Camp sa Southern California.
Bulubunduking lugar ito at pinaniniwalaang makakatulong sa mga boksingero na palalakasin umano ang resistensya ng isang boxer gamit ang high altitude training.
“Most people think high altitude training is the way to train. They feel that by getting their endurance to the level they want in an environment that is producing less oxygen will make the body perform better when the body is introduced back to lower climates,” wika ni Ariza sa kanyang panulat sa MP Boxing.
Pero mali ito dahil iba ang kondisyon sa lugar na pinagsasanayan ni Mosley at masama ang magiging epekto nito pagdating ng takdang laban ng dalawang welterweight boxers.
“There will be no benefit to what Shane tried to accomplish. Shane Mosley will have achieved no advantage. All Shane Mosley did was sacrificed muscle, strength and speed for no reason,” wika pa ni Ariza
Di tulad ni Mosley, mas lumalakas naman si Pacquiao habang papalapit ang laban dahil kumakain siya ng tama at ang kapaligiran ng pinagsasanayan ay nakakatulong para mahubog pa ang kanyang mga muscles.
“He is getting faster, stronger, while Shane is getting weaker and weaker,” pahabol pa ng conditioning expert.
Dahil dito ay suportado ni Ariza ang paniniwalang hindi magtatagal ang laban na ibinulalas na ng trainer na si Freddie Roach.
“I hardly ever predict fights. But you will see many advantages for us in this fight, but the biggest one you will see will come in the fifth or sixth round and beyond; that is strength, endurance, speed and power,” pagtitiyak pa ni Ariza.
Bagamat may respeto si Roach kay Mosley dahil siya ang pinakamabilis na kalaban ni Pacquiao na kinaharap sa mga nagdaang taon, pero hindi umano uubra ito at ang kanyang paniniwala ay tulog ito sa loob ng pitong rounds.
“I’m excited about this fight because we know that Shane is going to bring it,” wika ni Roach na senyales na alam na nila ang lahat ng diskarte ng 39-anyos na challenger.
- Latest
- Trending