Manila Bay Clean-Up Fun Run
MANILA, Philippines - Itatakbo ng Manila Broadcasting Company, katuwang ng Smart Communications, Naproxin Sodium, M Lhuillier, Cobra Energy Drink, Enervon, at 100 Plus ang kauna-unahang MBC Manila Bay Clean-Up Fun Run na gaganapin sa July 17.
Ito’y bukas sa lahat ng interesadong tumakbo sa 3K, 5K, 10K at 21K divisions na panlalaki at pambabae. Magkakamit ng tropeo at cash prizes ang magwawagi sa bawat kategorya--P20,000 sa 21K, P10,000 sa 10K, P5,000 sa 5K, P3,000 sa 3K. May special award din sa pinakamalaking delegasyon.
Mula sa May 9, maglalagay ng registration desk sa lobby ng Manila Broadcasting Company, Sotto Street, CCP Complex, Pasay City, at sa ROX na nasa Bonifacio High Street sa Global City, Taguig. Ang deadline ng registration ay sa July 19, alas-5:00 ng hapon.
Bilang pagpapamalas ng corporate social responsibility, kasama ng mga MBC volunteer at mga empleyado ng iba’t ibang establisimiyento sa Roxas Blvd. para sa Manila Bay Clean Up Program ng Land Bank na nagmula pa noong 2009.
Para malinis at sagipin ang marine at coastal resources sa Kamaynilaan, tinustusan ng MBC ang pagpapagawa at paglalagay ng trash rach na haharang sa mga basura sa tubig mula sa Vito Cruz area.
Ang Land Bank naman ang tumustos sa paglalagay ng garbage boat na hahakot ng basura, araw-araw sa Manila Bay.
- Latest
- Trending