Caguioa susi ng Kings sa pagpasok sa semis, PBA PoW

MANILA, Philippines - Kung may Gin Kings mang nagpapatunay sa ‘do-or-die’ spirit ng Barangay Ginebra, ito ay si Mark Caguioa.

Ang 2001 Rookie of the Year awardee na si Ca­guioa ay nagposte ng mga averages na 21.3 points, 8.0 rebounds, 2.7 assists at 1.3 steals upang tulungan ang Gin Kings sa tatlong sunod na panalo simula sa Game Three ng kanilang quarterfinals series ng Rain or Shine Elasto Painters hanggang sa Game Two ng kanilang se­mifinals showdown ng Smart-Gilas Nationals sa 2011 PBA Commissioner’s Cup.

“Mark Caguioa is a competitor. He’s a fighter, ayaw magpatalo,” sabi ni Ginebra head coach Jong Uichico sa kanyang guard-forward na tinanghal na Accel-PBA Press Corps Player of the Week.

Sa pagtamlay ng laro ni import Nate Brumfield, humataw si Caguioa ng 30 points at 11 rebounds upang igiya ang Gin Kings sa 92-82 panalo sa Elasto Painters noong nakaraang Miyerkules upang tapusin ang kanilang best-of-three quarterfinals duel sa 2-1.

Umiskor lamang si Brumfield ng 12 points mu­la sa malamyang 4-for-12 fieldgoal shooting.

Inasahan rin ng Ginebra ang tubong Vergara, Mandaluyong sa kanilang 97-96 at 110-103 paggupo sa Smart-Gilas upang kunin ang 2-0 bentahe sa kanilang best-of-five semifi­nals wars.

Nagposte si Caguioa ng average na 17.0 points sa nasabing dalawang su­nod na panalo ng Gin Kings.

Tinalo ni Caguioa para sa Player of the Week award sina Ranidel de Ocampo (18.5 points, 7.5 rebounds) ng Talk ‘N Text, nagkarga rin ng 2-0 benta­he sa kanilang semis series ng Air21.

Show comments