^

PSN Palaro

PASCAI magliligtas sa swimming community

- Ni RMPangilinan -

MANILA, Philippines - Ang bagong organi­sasyong Philippine Aquatic Sports Coaches Association, Inc. (PASCAI) ang na­­kikitang magiging tagapagligtas ng swimming co­m­munity sa bansa na ma­tagal nang nakalugmok sa problema.

Itinatag nitong naka­raang buwan lamang ng isang grupo ng mga coach sa swimming, ang mga opis­yal ng Board ay pinanumpa sa tungkulin ka­makailan sa La Vista Subdivision sa Quezon City nina dating Senador Nikki Coseteng at Philippine Swim­ming League (PSL) president Susan Papa.

Hinirang na pangulo ng PASCAI ang coach ng Lipa Medatrix Swim Club na si Emil Amago, habang panga­lawang pangulo si PSL coach Edgar Galeno, secretary si Nunilon Moreno at treasurer si Emerlindo Matienzo.

Itinalaga rin ni Coseteng, na aktibo sa pagsisiwalat ng mga anomalya laban sa pangulo ng Philippine Aquatic Sports Association (PASA) na si Mark Joseph sa imbestigasyon ng House Committee on Sports, ang mga miyembro ng board na sina Noy Fileteo, Jairulla Jaitulla, Edmundo Babiera, Junette Abesamis, Virgilio de Luna, Bernie Cabida, Sammy Banzon, Chito Rivera, Jeffrey Mendrano, Dave San Juan, at Norman Francisco.

“Masaya ako na makapagsisimula nang muli ang komunidad ng swimming. Wala na ang takot at lalaban sila para sa tama,” ani Coseteng, ang punong-abala sa Great PinoyPeace and Unity Swim, ang pagsubok ng Pilipinas na magtala ng bagong Guinness World Record para sa pinakamaraming taong lalangoy ng 60 talampakan sa loob ng 24 oras.

BERNIE CABIDA

CHITO RIVERA

COSETENG

DAVE SAN JUAN

EDGAR GALENO

EDMUNDO BABIERA

EMERLINDO MATIENZO

GUINNESS WORLD RECORD

HOUSE COMMITTEE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with