10 gold sa Smart jins sa ATF tourney
MANILA, Philippines - Umiskor ng malaking panalo ang bansa sa international taekwondo event nang sumipa ang Smart Team ng 33 medalya, tampok ang 10 ginto sa nakaraang 10th ASEAN Taekwondo Federation (ATF) championships sa Phnom Penh, Cambodia.
Pinangunahan nina featherweight Gershon Bautista at welterweight Ernest John Mendoza ang impresibong performance ng Smart sa pagbulsa ng tig-isang ginto sa kyorugi (free sparring) senior men’s competition.
Nagwagi rin ang Smart’s kyorugi male at female junior bets ng pitong ginto, habang sa individual poomsae sumikwat naman si Shaneen Ched Sia ng isang ginto.
Ang mga junior gold winners ay sina finweight Inna Izabella Dionosio, bantam Leigh Anne Nuguid, lightweight Apriel May Solimen at light iddle Bianca Maurice Go sa female division at sina fin Tristan Avelino, light Joaquin Mendoza at middle Guilliano de Dios sa male division.
- Latest
- Trending