^

PSN Palaro

Lady Eagles, 2 pa pasok sa quarters

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Matapos ang Adamson University, isang koponan na naman ang napatuna­yang lumabag sa eligibility rule ng liga.

Binawi ng league officials ang naunang 21-25, 27-25, 25-16, 25-15 tagumpay ng Lyceum of the Philippines University sa Southwestern University noong Abril 5 dahil sa pagpapalaro kay Carla Benedicto.

Nauna nang binawi ng mga opisyales ang panalo ng Adamson University sa University of Perpetual Help-System Dalta noong Martes dahil sa paggamit kay ineligible player Faye Guevarra.

Dahilan rito, nakapasok na ang Lady Cobras sa quarterfinal round sa bisa ng kanilang 3-1 rekord sa ilalim ng Ateneo Lady Eagles na tumalo sa kanila, 25-16, 25-15, 25-15, sa Season 8 ng Shakey’s V-League kahapon sa Filoil Flying V Arena sa San Juan.

Nagposte sina guest player Alyssa Valdez at Thai import Lithawat Ke­sinee ng tig-16 hits para sa 3-0 baraha ng Eagles, habang nag-ambag sina Dzi Gervacio at Fille Cainglet ng 8 at 6 points, ayon sa pagkakasunod.

Bunga ng panalong ito ng Lady Eagles, nakasungkit na rin ang Katipunan-belles ng puwesto sa quarterfinals.

Target ng Katipunan-based belles ang kani­lang kauna-unahang titulo sa ligang itinataguyod ng Shakey’s Pizza at suportado ng Mikasa bilang official ball at Accel bilang official outfitter.

Tinalo naman ng Lady Altas ang St. Benilde Bla­zers, 25-18, 25-19, 25-19, para ibulsa ang unang quarterfinals tiket sa Group B.

May 3-0 baraha ang Ateneo sa Greoup A kasunod ang Southwestern University (3-1), Lyceum (1-2), San Sebastian College (0-1) at Far Eastern Uni­versity (0-2), habang dala ng Perpetual ang 3-0 marka sa Group B sa itaas ng University of St. La Salle (2-1), Adamson (1-1), National University (1-2) at St. Benilde (0-3).

ADAMSON UNIVERSITY

ALYSSA VALDEZ

ATENEO LADY EAGLES

CARLA BENEDICTO

DZI GERVACIO

FAR EASTERN UNI

FAYE GUEVARRA

GROUP B

SOUTHWESTERN UNIVERSITY

UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with