MANILA, Philippines - Mula sa matibay na depensa nina Ronald Tubid at JC Intal kay NBA veteran Hassan Adams, lumapit ang Gin Kings sa semifinal round.
Bukod sa kanyang pagbabantay kay Adams, tumipa si Tubid ng 18 points, tampok ang 5-of-8 shooting sa three-point range, para tulungan ang Barangay Ginebra sa 100-91 paggiba sa Rain or Shine sa Game One ng kanilang quarterfinals series para sa 2011 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Kinuha ng Gin Kings ang 1-0 abante sa kanilang best-of-three quarterfinals wars ng Elasto Painters para sa inaasam na pagharap sa No. 1 Smart-Gilas sa best-of-five semifinals showdown.
“One game pa lang ‘yan. We need another win to get to the next round,” sabi ni Ginebra head coach Jong Uichico, nakahugot rin ng 24 points kay import Nate Brumfield, 20 kay Mark Caguioa at 14 kay Mike Cortez.
Tatlong tres ang isinalpak ni Tubid sa first period para sa kanilang 9-4 lamang bago ibaon ang Rain or Shine sa likod ng isang 20-point lead, 58-38, sa 9:21 ng third quarter mula sa tres ni Cortez.
Nang walang puntos na makuha kay Adams, naglaro sa NBA para sa New Jersey Nets at Toronto Raptors, sumandig ang Elasto Painters kina Gabe Norwood, Larry Rodriguez, Beau Belga at rookie Josh Vanlandingham para makalapit sa pagtatapos ng nasabing yugto, 65-70. (RC)
Ginebra 100 - Brumfield 24, Caguioa 20, Tubid 18, Cortez 14, Menk 6, Hatfield 6, Aquino 5, Miller 5, Mamaril 2, Intal 0.
Rain or Shine 91 - Rodriguez 20, Norwood 18, Adams 12, Belga 11, Kramer 10, Tang 7, Vanlandingham 5, Arana 4, Chan 3, Cruz 1, Jazul 0, Buenafe 0, Ferriols 0.
Quarterscores: 26-23, 50-34, 70-65, 100-91.