^

PSN Palaro

Lining, Alcano, Manalo, Corteza nanalo agad

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Anim na Pinoy cue-artist ang nanalasa agad sa pagbubukas ng Philippine Open Pool Championships men’s division kahapon sa SM Megamall Megatrade Hall sa Mandaluyong City.

Nanguna si Antonio Lining, ang No. 2 player sa talaan ng World Pool Association (WPA), nang kanyang kalusin si Robbie Foldvari ng Australia, 9-7, sa first round ng double elimination format na kompetisyon na inorganisa ng Raya Sports.

Nagsipanalo rin sina Ro­nato Alcano, Lee Van Corteza, Marlon Manalo, Jundel Mazon at Jerico Banares para makapasok na sa round-of-32 ng labanan sa 10-ball.

Ang double world cham­pion na si Alcano ay nangibabaw kay Desmond Teck ng Malaysia, 9-4, habang dinurog ni Corteza si Rafath Habib ng India, 9-5, at binigo ni Manalo si Lee He Men ng Hong Kong, 9-8.

Ginapi naman ni Mazon si Venancio Tanio, 9-1, habang isang 9-2 panalo ang kinuha ni Ba­­nares kay Raymund Fa­ron.

Ang mga natalo ay na­lag­lag sa loser’s group at kasama rito sina Jech-Jech Limen at Renemar David.

Lumasap ng 2-9 kabi­guan si Limen kay Vincent Facquet ng France, 9-2, habang isang 8-9 pag­yukod ang tinamo ni Da­vid kay Mohamed Al Buainain ng Qatar.

Laglag kaagad sa lo­ser’s bracket si Reggie Ann Biagcong matapos ta­lunin ni Chen Si­ming ng Chi­na, 9-1.

ALCANO

ANTONIO LINING

CHEN SI

DESMOND TECK

HONG KONG

JECH-JECH LIMEN

JERICO BANARES

JUNDEL MAZON

LEE HE MEN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with