Casimero umayaw kay Mthalane sa 5th round

MANILA, Philippines - Hindi kinaya ni John Riel Casimero ang mga pamatay na suntok ng IBF flyweight champion na si Moruti Mthalane tungo sa fifth round TKO loss na ginanap sa Nasrec Indoor Arena sa Johannesburg, Gauteng, South A­frica.

Ilang matitinding uppercuts at kanan ni Mthalane sa ulo ni Ca­simero ang nagresulta upang umayaw ang Fi­lipino challenger na umakyat ng timbang para sunggaban ang world title fight.

Ang 21-anyos na tubong Ormoc City, Leyte ay da­ting kampeon sa WBO interim light flyweight pero natalo ito sa kanyang pagdepensa sa laban kay Ramon Garcia Hi­rales ng Mexico noong Hulyo 24, 2010 sa pamamagitan ng split decision.

Nagbigay muna ng magandang laban si Casimero at niyanig si Mthalane sa ikatlong round nang makapagpa­tama ng apat na matitinding suntok.

Show comments