MANILA, Philippines - Magsisilbing host ang napakagandang lungsod ng South Cotabato--ang Koronadal City--sa opening leg ng ika-13 taon ng Smart presents HEAD Age-Group National Tennis Tour 2011 Junior Satellite Circuit simula Marso 27 sa Triniville Tennis Club.
Tinatayang mahigit sa 100 tenista ang lalahok sa una sa 13-leg junior circuit sa pagdaraos ng naturang event na tatagal ng 70-day tennis tour event na may na suportado ng Smart Sports, sa pakikipagtambalan sa HEAD at Chris Sports, nangungunang sports retail store sa buong bansa.
Pangungunahan ni Mayor Peter B. Miguel, isang medical doctor ang opening ceremony.
Suportado ng Philippine Tennis Association (PHILTA), ang siyang nagsa-sanction sa torneo mula pa noong 1999, ang Smart presents HEAD Junior Tennis Tour Satellite Circuit dahil sa adhikain nitong palakasin nang husto ang tennis grassroots programs sa Pilipinas.
Bukas ang torneo para sa mga kategoryang 10-year-and under (unisex), 12-and-under (boys), 14-and-under (boys), 16-and-under (boys), 18-and-under (boys), 12-and-under (girls), 14-and-under (girls), 16-and-under (girls) at 18-under (girls).
Ang junior tennis circuit ay tinutulungan din ng Smart Sports sa pamamagitan ng pinuno nitong si Patrick Gregorio. Ilan pa sa mga sponsors ng event ang MVP group of companies kabilang ang Meralco at Maynilad. Nagtulung-tulong sila upang makadiskubre ng mga bago at futuren tennis stars katulad nina Jeson Patrombon at Marinel Rudas na kapwa nakikipagsabayan ngayon sa mga international competition.
Para sa mismong torneo, maaaring makipag-ugnayan ang mga gustong sumali kay Fatima sa (02) 925-1578 at (02) 925-2391 o kaya ay i-text ang SMART-Head space, full name, space at i-send sa 09087432405.