Do-or-die match
MANILA, Philippines - Sa malaking 2-0 panalo ng Bangladesh sa Myanmar, magiging isang 'must win situation' na ang laban ng Philippine Azkals sa naturang koponan ngayong alas-5 ng hapon.
Nakatakdang magsagupa ang Azkals at ang Bangladesh sa huling laro sa group stage ng 2011 Asian Football Confederation (AFC) Challenge Cup sa Rangoon, Myanmar.
Kasalukuyang may 2 points ang Azkals sa scoring system ng torneo, samantalang bitbit ng Palestine Fighters ang 4 points at taglay ng Bangladesh ang 3 points at may 1 point ang White Angels ng Myanmar.
Tinalo ng Bangladesh ang Myanmar, 2-0, matapos ang 0-2 kabiguan sa Palestine para sa kanilang 3 points, habang may 2 points naman ang Azkals matapos ang 1-1 draw sa White Angels ng Myanmar noong Lunes at scoreless draw sa Fighters ng Palestine noong Miyerkules.
Ang 2 points ng Azkals ay mula sa kanilang 1-1 draw sa White Angels noong Lunes at 0-0 scoreless draw sa Fighters noong Miyerkules.
Ang won game ay may katumbas na 3 points sa scoring system, habang ang draw ay 1 point.
"BIG BIG game tomorrow. Must win!," sabi ni Fil-German Simon Greatwitch sa kanyang Twitter account kahapon sa pagsagupa ng Azkals sa Bangladesh, tumipa ng malaking 2-0 panalo laban sa Myanmar.
Si Shakil Ahmed ang gumitla sa mga Myanmar fans sa Yangon Youth Centre nang ikonekta ang isang goal sa pang-10th minute sa first half, habang nailusot naman ni Mohammedan midfielder Abdul Baten Mojumder Komal ang isa pang goal sa pang 67th minute sa second half para sa 2-0 tagumpay ng Bangladesh.
Ayon sa tournament regulations, “the greater number of points obtained in the group matches between the teams concerned” ay ang unang kriterya para paghiwalayin ang dalawa o tatlong mga koponang may magkakatulad na puntos.
Aabante ang Myanmar kung mananalo sila laban sa Palestine, nakapasok sa quarterfinals ng AFC Challenge Cup noong 2006.
Sakaling muling mauwi sa draw ang laban ng Azkals at Bangladesh, ang huli ang siyang papasok sa tournament proper kasabay ng pagkakasibak sa mga Filipino booters.
- Latest
- Trending