MANILA, Philippines – Hahataw ang NatGeo Earth Day Run (EDR) sa Abril 10 sa Bonifacio Global City sa Taguig tampok ang mga professionals, students, health buffs, celebrities, weekend runners at athletes.
Idinagdag ang 21k para maging isang four-category event na naglalayong maipabatid ang kahalagahan ng kalikasan. Ang iba pang event ay ang 3k, 5k fun runs ant 10k competition.
“We were encouraged by last year’s huge turnout that’s why we are putting up the 21k race,” wika ni Jude Turcuato, ang Fox International Channels territory director. “Ang NatGeo EDR ang tanging fun run na nagpapaalala sa importansya ng kalusugan at “to show our planet we care about its health.”
Ang on-line listup ay matatagpuan sa www.natgeorun.com hanggang Marso 27 at ang on-site registration ay nagaganap sa NatGeo EDR booth sa left wing ground floor ng Greenbelt 3sa Makati City hanggang Abril 3.
Ang entry fees ay P600 (3k), P700 (5k), P900 (10k) at P1,150 (21k), kasama ang isang NatGeo EDR limited edition technical shirt.
Ang mga detalye at mechanics ay makikita sa EDR website.