^

PSN Palaro

Pinoy na si Douthit

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Tapos na ang paghihintay para sa isang malaking sentro na mangunguna sa Smart Gilas Pilipinas.

Kahapon ay pormal nang naging na­turalized Filipino si 6’10 Marcus Douthit nang maging batas na ang House Bill 23­07 na ipinanukala ni Antipolo second District Congressman Robbie Puno.

Hindi napirmahan ni Pangulong Benig­no Aquino III ang nasabing batas na naihain sa kanyang tanggapan pero na­ging batas na dahil lampas na ito ng isang buwan na grace period matapos ihatid sa Malacañang noong Pebrero 9.

Sa pangyayari, si Douthit ay maaari nang maglaro bilang kasapi ng Smart Gilas sa mga malalaking kompetisyon na sakop ng international body FIBA at Fi­ba-Asia.

“Malacañang will forward the enrolled copy to their records within the week where it will be assigned its Republic Act number,” wika ni Puno.

Inaasahang patitibayin ni Douthit ang laban ng Pilipinas sa FIBA Asia Men’s Championships sa Setyembre sa Wuhan China.

Ang kompetisyon ay isang qualifying tournament sa 2012 London Games at ang tatanghaling kampeon dito ang si­yang kakatawan sa Asian region sa pinakaprestihiyosong torneo sa mundo.

Si Douthit na kinuha ng koponan no­ong pang nakaraang taon ay kabilang sa koponan na naglalaro sa PBA at ang kanyang presensya ay nararamdaman dahil wala pang talo ang Gilas sa apat nilang asignatura.

Sa edad 30 ni Douthit, inaasahang ma­tutulungan niya ang koponan sa susunod pang apat hanggang limang taon para magkaroon din ng pagkakataon ang Pi­lipinas na manalo sa Asian Games na lalaruin naman sa 2014.

ASIA MEN

ASIAN GAMES

DISTRICT CONGRESSMAN ROBBIE PUNO

DOUTHIT

HOUSE BILL

LONDON GAMES

MALACA

MARCUS DOUTHIT

PANGULONG BENIG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with