MANILA, Philippines - Si world female super bantamweight champion Ana Julaton ang itatampok na panauhin sa SCOOP sa Kamayan weekly session ngayong umaga sa Kamayan Restaurant-Padre Faura.
Ang three-time world titleholder na si Julaton ay dumating sa bansa noong Martes mula sa San Francisco, California.
Ilalahad niya sa mga miyembro ng Sports Communicators Organization of the Philippines ang kanyang plano sa pagdedepensa ng korona sa bansa.