Lindol sa Japan 'di nakaapekto sa training ng Azkals
MANILA, Philippines - Naranasan ng Philippine men’s football team na Azkals ang isang magnitude 7.3 earthquake na tumama sa north-eastern coast ng Japan, kahapon.
“The team is fine. They didn’t even feel it,” wika ni Philippine Football Federation (PFF) president Mariano “Nonong” Araneta.
Kasalukuyang nagsasanay ang Azkals sa Gotemba, ang siyudad na matatagpuan sa southeastern flank ng Mt. Fuji in Shizuoka at halos 200 kms mula sa Tokyo.
Nararamdaman ng Azkals ang zero degree temperature at minsan na nararanasan ang ilang snow showers.
Lilisanin ng Azkals ang Japan sa Sabado patungo sa UIan Bator sa Mongolia para sa kanilang ikalawang laban ng Blue Wolves sa qualifying ng AFF Challenge Cup sa Marso 15.
Inaasahang magiging pamilyar ang Azkals sa malamig na klima sa Ulan Bator mula sa kanilang pagsasanay sa Japan.
Sinabi ni Phil Younghusband sa kanyang twitter account na “training is doing well.”
Ipinoste rin ni Azkals team coordinator Ace Bright na nakatakda silang magtungo sa isang hot spring sa Gotemba.
“Japan is known for its hot springs and I’m sure they need one right now,” wika ni Araneta, magtutungo sa Ulan Bator sa Sabado.
Samantala, makakasama naman ng Azkals simula sa Hunyo si Filipino-German Stephan Schrock, kasalukuyan pang nagpapagaling ng kanyang tuhod na inoperahan kamakailan.
Ang 24-anyos na si Schrock, ang ina ay isang Pinay, ay naglaro bilang isang right back para sa koponan ng Greuther Furth sa German football league.
Si Schrock ay naglaro para sa German Under-18, -19 at -20 youth squads na parehong mga nakapasok sa Union of European Football Associations championship.
- Latest
- Trending