Donaire tatalunin ni Moreno, ayon sa trainer

MANILA, Philippines - Habang sumuong sa away sa Twitter si world bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr., kumpiyansa naman ang kampo ni Anselmo “Che­mito” Moreno na kayang talunin ng Panamanian ang tubong Talibon, Bohol saka­ling maitakda ang kanilang laban.

 Sinabi ni Celso Chavez, ang trainer ng World Boxing Association (WBA) bantamweight king na si Moreno, na hindi maaaring ikumpara ni Donaire si Moreno kay Me­xican Fernando Montiel.

“Chemito Moreno is not the same boxer as Montiel,” ani Chavez. “With the pro­per conditions he can beat Donaire. That night Donaire will know what it’s like to face a real ghost when he stands in front of Moreno.”

 Pilit na itinatakda ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang unification fight nina Donaire, nakaaway sa Twitter at Facebook sina dating North Cotabato go­vernor Manny Piñol, sports columnist Recah Trinidad, GMA-7 sports analyst Chino Trinidad, sportswriters Anthony Andales at Granville Ampong, at Moreno sa Mayo 28 sa Oakland, California.

 Ang 28-anyos na si Donaire ang bagong World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion matapos itong agawin mula sa 31-anyos na si Montiel via second-round TKO noong Pebrero 19 sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada.

Si Donaire ay sariwa sa second round knockout panalo sa dating Mexican champion Fernando Montiel at ang Filipino champion ay nakatakdang dumating ng bansa ngayong umaga at mamalagi siya sa bansa ng tatlong linggo.

Show comments